Ayon kay Barbie Forteza nang huli namin siyang makapanayam,
very vocal ang ang kapuso star sa pag anim na malalim na ang kanilang relasyon
ang kanyang ka loveteam na si Ken Chan.Pitong taon na daw umano silang
magkakilala at magkaibigan ng nasabing aktor. Sa ngayon kaibigan nga lang daw
ang turing niya sa kanyang ka loveteam pero ayaw daw niyang magsalita ng tapos
na hindi sila ma develop sa isa't isa.
"Ako kasi pag kaibigan ko hanggang dun lang talaga ako.
Matagal na kasi kaming magkakilala , kaya medyo siguro mahirap mauwi sa
relasyon . Pero sabi ko ayokong magsalita ng tapos ...malay natin
hahaha,"pabirong tugon ni Barbie.
"Special kasi yung relationship namin...ayaw naming
masira yun.
"Mas maganda
yung ganito ang set up kasi mas tatagal yung samahan namin. Iba kasi pag mag on
kayo tapos loveteam kayo ..kahit papaano may mag sa suffer. I think hindi
siguro mag wo work kasi iba yung nasasaktan ka..at least yung ganito masaya
kaming dalawa na walang natatapakan diba?,"sabi pa ng dalaga na ngayo'y
super busy sa pag da dubbing ng pelikulang "This Time i'll be sweeter"
under Regal Films.
Kaya magandang balita sa mga "KENBIE" supporters
na mapapanood na sa November 8 nationwide ang kauna unahang movie sa mainit
na tambalang BARBIE and KEN hatid ng
pelikulang romantic comedy na "This Time I'll Be Sweeter" ni direk
Joel Lamangan. Sa ngayon busy ang mag tendem sa dubbing ng kanilang movie na
ayon kay Barbie focus na muna siya sa lauching movie nila ni Ken.
"Kailangan bigyan ng tamang atesyon ..first big screen
namin to Ken..so nakakakaba talaga!
"Nung mapanood ko yung full trailer, di ko ini expect
na ganun ka ganda ..promise ang ganda ng texture at maganda ang kinalabasan.
Super exited na ako na mapanood yung full movie ..nakakaiyak .
"Siguro dito malaking contribution sa kagaya namin
baguhan palang sa paggawa ng movie si direk Joel lamangan . Its an honor for me
na maka trabaho ang isang kagaya ni direk na Marami kang matututunan . Pero
strikto siya pag dating sa set."kwento pa ng Aktres.
Balitang may ibang special sa buhay ni Barbie , pumutok kasi
ang balitang ito ng mag post ng pictures ang dalaga sa kanyang instagram
account bagay naman na nilinaw ng aktres .Aniya "Kung meron man special sa
buhay ko si Ken yun , kasi si Ken special na tao sa akin kasi special din ako
sa kanya . Sa set sobra ang alaga niya sa akin, hindi siya kakain ng hindi ako
pagsisilbihan .. makikita mo yung pagiging gentleman niya at effort.
"Kung meron man nali link sa akin forget na muna yun!
sabi ko nga focus na muna dito sa bagong movie namin ni Ken ! . Sana
supportahan ito ng mag maka kenbie.. ng lahat na rin ..isang nakapagandang
movie ,"huling turan ng dalaga.
NAGPAPASALAMAT ANG BUONG CASTS NG PELIKULANG "THE
DEBUTANTES" SA LAHAT NG NONOOD AT SUMUPORTA SA NASABING MOVIE . FIRST DAY
SHOWING PUMALO KASI ITO SA TAKILYA NG 3.5M . CONGRATS ROSELLE MONTEVERDE AND
MOTHER LILY MONTEVERDE SA WALANG SAWANG PAGBIBIGAY NG MGA PELIKULANG
MAKABULUHAN!
0 comments:
Post a Comment