PORMAL nang pumirma ng movie contract sa Regal Film sang mga
grand winners ng Miss World Ph 2017 na sina Laura Lehmannna titlist sa nasabing
patimpalak, Reina HispanoAmericana Filipinas Wynwin Marquez, 1st runnerup
Glyssa Leian Perez, Miss Eco Philippines
Cynthia Thomalla, Miss Multinational Philippines Sophia Senoron with mother
Lily Monteverde and her daughter Roselle Monteverde together with respected
talent manager Arnold Vegafria kamakalawa na ginanap sa Valencia Events Place.
SA pagharap ng limang beauty queens sa press people kapansin
pansin na may kanya kanya silang mga katangian na walang itulak kabingin kung
beauty and brain ang pag uusapan.
Minsan na rin daw silang nangarap na maging ganap na artista
na tanging ang naging daan nila upang matawid ang tulay tungo sa kanilang mga
ambisyon ay ang pagiging buo ang loob at hindi sumusuko sa takbo ng buhay,
maliban kay Wynwin na kilala na bilang aktres at nakamulatan na ang mundo ng
showbiz.
SPEAKING of Winwyn Marquez siya ang kauna unahang
representatives ng philippines sa gaganaping beauty pageant sa Reina
HispanicoAmericana in Sta. Cruz, Bolivia.
“I'm excited for that
competition. Di familiar sa ating ang pageant but it has been going on for 28
years and now lang sila nag-invite ng Asian candidate and I’m flattered na ako
yung unang candidate na ipadadala ng ating bansa sa Bolivia,” aniya.
"Lahat ng mga Latina na nanalo sa ibang beauty pageants
dumaan and it’s like a training ground for them before they join other
international competitions. Ang winner nila last year was Miss Columbia with
Miss Mexico as runnerup. I’m now taking Spanish classes but it’s impossible for
me to learn it right away in such a short time. May interpreter naman daw sila
roon for me. "Nakakalungkot nga kasi my mom and dad both hindi sila
pwedeng mag travel. Si mommy hindi puwedeng mag travel according to her doctor
lalo pa't Bolivia i think it takes 26 hours its a long journey baka di
makayanan ng mommy ko. Si Dad naman may astma ..okej lang naman sakin.
"Ang makakasama ko yung kuya Yeoj ko , nag volunteer
siya sa kin ..kaya siya tutulong sakin sa mga dala ko ang dami ko pa namang
maletang dala ..mga gowns and costumes ko.
"Si Mark naman di ko na isinama dahil very
expensive ang fare, imagine mahigit 100 thousand sa fare palang at the same
time ayoko din nandun siya kasi baka mailang lang ako ..iba kasi yung hindi
concious may manonood sayo na special someone . baka makaramdam lang ako hiya
at kaba,"aniya.
Blogger Comment
Facebook Comment