Ang akala ng ibang hindi nakakakilala ng personal sa award
winning actress na si Alessandra de Rossi , mataray at supladita ang anak ni
Mommy Net. Noon pa man yan ang tingin ng marami sa image ng bida sa peikulang
12 kung saan si alex din at the same time ang scriptwriter ng nasabing pelikula
nila ni Ivan Padilla. Pero sinagot ni Alessandra ang tungkol sa isyung pagiging
mataray ng nito.
Entrada ni Alessandra “Ganito lang talaga ako, I guess.
Mukha akong mataray which is true naman kasi I speak my mind. Pero hindi ibig
sabihin no’n na kapag hindi kailangan, eh, humihirit ako.Hindi ako ganun. Sobrang
tahimik ako kahit na ang sama-sama na ng ginagawa mo sa akin. Basta hindi ka
mauna, hindi ako magsasalita. Pero ’pag nauna ka, winish mo sana na hindi ka na
lang nauna magsalita. Pero never ever akong mangunguna,”.hirit ni Alessandra.
Ayon pa actress, hindi na raw bago sa kanya ang inyu sa
pagiging mataray umano niya hindi na raw niya ito binigyan ng pansin dahil alam
niya sa pagkatao niya ay hindi siya
ganu’n kataray.
“Dedma lang, kasi hindi naman nila ako nakakasama nang
personal. Pero lahat ng mga nakakakilala sa akin, sasabihin nila, ‘My God,
nu’ng una takot akong ma-meet ka, tapos nu’ng na-meet kita two minutes lang
alam ko ng magiging masaya ’yung araw ko.’ Nakaka-touch ’pag nakakarinig ka ng
ganun”,
"Siguro kung ganun ang tingin ng iba sa akin wala akong
magagawa you cannot please everybody's pero hindi ako mataray ..masayahin lang
. mataray siguro ako kung tatarayan ako haha!."sabay tawa ni Alex.
Sa pelikulang 12 na
ipalalabas sa November 8 ito ang pelikulang kauna unahang sinulat na script ng
nasabing aktres na sa kabila ng kawalan ng hilig sa pockebook nakabuo siya ng
isang script kaya natutuwa ang aktress dahil siya minso hindi niya malubos
maisip na nakapagsulat siya ng istorya sa pelikula na siya mismo ang bida.
“Nung nag-start akong magsulat ng songs, parang ‘Uy, okey
’to ah.’ Tapos nag-start na rin akong mag-conceptualize ng sarili kong videos.
Tapos biglang parang gusto ko… pero bago ito, may sinulat akong TV series na
ang title niya ay The Diary of Thirty Something na Viva ang magpo-produce.
Tungkol ito sa mga thirty something... ang age women na iba-iba ’yung
pinagdadaanan.
“Very close to me ’yon. ’Yon ’yung halos hindi mo
kinailangang pag-isapan kasi kung ano ’yung pinagdaanan ng friend mo, ‘Uy,
lagay natin ’yan,’ pero siyempre babaguhin mo ’yung ano ’di ba? Ay ang saya
palang magsulat,”kwento pa ng ng kikay na si Alessandra.
Passion project daw ni Alessandra ang peikulang 12 at isinulat niya ito before pa na gawin
niya ang pelikulang Kita Kita. with Empoy Marquez na naging blockbuster sa
takilya.
Blogger Comment
Facebook Comment