Nang maging blockbuster sa takilya ang pelikulang
"Kita-Kita" na unang tambalan nina Alessandra de Rossi at Empoy
Marquez. Umani ng tagumpay ang
pelikula kasabay din nang
pagsikat ng kanilang tambalang Alempoy . Sino ba naman ang mag aakala na sa
dinami dami ng pelikulang nagawa ni Alex dito sa pelikulang Kita-kita lang
naramdaman ng anak ni Mommy net ang isa sa matagal na niyang pangarap na maging
isang box office queen after 20 years. Kaya naman hindi nakapag tataka kung
marami ang nagkaka inetrest sa tambalang Alempoy at maging ang mga malalaking
komapanya nagnanais na hingin ang kanilang serbisyo bilang endorsers ng kanilang product . Ang problema
lang, si Alessandra ang tipo ng artista na hindi basta basta tumatanggap ng ini
endors.
“Honestly, masyado akong maraming tinanggihan. Si Empoy,
tanggap nang tanggap and I love him for that,"entrada ni Alex ang bida sa
pelikulang 12 ng Viva films na nakatakdang i showing this November 8 nationwide
kung saan kasama niya ang aktor na si Ivan Padilla.
“Lagi kaming okay ni Empoy. Masayang-masaya ako para sa
kanya. Alam niya yon, more than myself, alam niya naman kasi na hindi ako
mahilig sa pa-star, eh.
“Like for example, isang brand ng liquor, may offer na P2
million. Ayokong mag-endorse ng alcohol. Kumuha na lang sila ng babae na
makakasama ni Empoy. Pero okej naman kami ni Empoy.
“Tapos pinag-pray ko talaga na, ‘Lord, ituloy niyo kahit
wala ako kasi ayoko na mawalan si Empoy ng project dahil maarte ako.’ Hindi ako
mag-i-endorse ng bisyo. Bakit ako mag-i-endorser niyan?
“May tinanggihan din kami na Empoy, ito funny, huwag mo na
lang ding sabihin, kinuha kaming endorser ng motel/hotel. Hahaha! Yung parang,
‘Seryoso ba kayo?’ Kissing scene nga ayoko tapos ilalagay n’yo ako diyan?”
natatawa niyang kuwento.
Marami na nga raw na endorsment na offer ang tinangihan ng aktress. At ayon kay Alessandra
ayaw niya ng anything na may bisyo ang tema or maypagka malaswa. Kaya isa ito
sa pino problema umano ng Cornerstone
(management team) na humahawag sa kanyang career.
“Naiintindihan kasi nila ako, eh. Ako ang nakakaalam, eh.
Path ko ‘to, 20 years ko nang inaayos ang path na ‘to, eh, di ba?
“So parang wala silang magagawa. Of course, nasa-shock sila
minsan. Ayoko lang talaga ng bisyo, anything na malaswa, babuyan. Puwede akong
mag-cover ng sexy, walang problema sa akin yan.
“Pero nasaktan ako nung makita ko yung price – P2 million.
Naku, hindi ako puwede dito, sorry. Tapos parang sumagot agad sa akin si Lord,
sabi niya, papalitan ko yan ng mas malaki. Hindi pa siya kinu-confirm pero
mukhang totoo,” very optimistic na sagot ng aktres.
Sa bagong movie ni Alessandra na 12 na kung saan siya ang
bida at the same time siya rin ang scriptwriter, baka dumating ang panahon na baka nga pati
ang pag di direk ay pasukin na rin ng aktres.
“Meron ng mga nakaplano pero hindi ako yung artista. Pero
yung Diary Thirty Something gusto talaga ni Boss Vic (del Rosario) ako ang
magdirek.
“Sabi ko naman, kaya ko kung movie siya. Kasi nung una ko
siyang sinulat movie siya, eh, tapos naging series kasi nga sa dami ng
characters at sayang kung hindi mo ma-explore yung character ng isa’t isa.
“Yung movie kaya ko
pero yung series ‘di ko na kaya. So, tinawagan ko si Zig Dulay, sabi ko
mag-co-direct tayo. Lahat ng eksenang nandon ako, siya ang magdidirek. Lahat ng
eksenang wala ako, ako ang magdidirek. Basta hindi ako ang magdidirek ng sarili
ko. Ayoko talaga. Kailangan kong mag-concentrate sa shot ko,” paglilinaw pa
niya.
Kung sakali nga raw na mabibigyan ng change na mag direk ang
aktres , ang napipisil daw umano niya na gustong nitong iderehe ay ang kanyang nakatatandang kapatid
na isa ring award winning aktres na si Assunta de Rossi Ledesma.
"Gusto ko rin si Julia Montes, bukod sa kapatis ko.
Gusto kong idirek si Ivan (Padilla), magaling kasi talaga.
“Actually, may sinusulat ako for Piolo (Pascual), kaming
dalawa yung bida, sana tanggapin niya. Kapalit ko sa Kita Kita. Hahaha! Si
Joyce Bernal yung gusto kong mag di direk," huling pahayag ng aktres sa
Starnews.
0 comments:
Post a Comment