NANG makausap namin ang isa sa bida sa pelikulang “The
Debutantes” na si Miles Ocampo sa
bonggang Red Carpet Premiere night na ginanap sa Ayala Vertis Mall yesterday night,
unang naging tanong sa aktres hinggil na si kontrobersyal na si Xander Ford na kilalang si
Marlou Arizala nung hindi pa ito nagpaparetoke ng mukha at
ngayon nga ay talagang
artistahin na ang kanyang dating. Kung ating matatandaan
minsan nang nagkadaupang ng
palad sina Miles at Zander dahil nag guest na ito sa Sitcom
nina Miles sa "Home Sweet Home" kung saan naliligaw ito sa aktres.
Hindi makapagbigay ng opinyon ang dalaga sa pabirong tanong
mga press people na posibilidad nga raw bang magustuhan niya ang kagaya ni Xander na alam
niya kung ano ang pinanggalingan? Nangingiti lang ang aktres at halatang she
don't want any comment about Xander na ang tangingnasabi lang ng aktres ay
"Hindi ko po talaga alam,eh. Siguro ‘yung ginawa naman
niya sa sarili niya ay kung diyan po
siyang confident at ‘yung pakiramdam niya na kaya niya ang sarili
niya, e, di go lang po,”matipid na sabi ni MIles na isa sa nagpakita ng galing sa bagong
niyang pelikulang the Debutantes na showing na today nationwide.
Hindi nabigo ang Regal Films na sugalan at bigyan ng break
ang kagaya ni Miles na matagal na rin nangarap na magkaroon ng isang pelikula
na maipagmamalaki niya at masasabi niyang isa siya sa bida .Marami na rin kasing naging movie ang aktres
, lumabas na rin siya sa pelikulang "I've Fallen For You", "A
Very Special Love", "
You Change My Life", "Paano Na Kaya" pero ang
"The Debutantes" ang kauna unahang
movie na ginawa ng kiddie gag show "Goin' Bulilit" na lead role sa pelikula
. Infairness marami ang humanga sa ipinamalas na galing sa
kanyang pagkakaganap sa suspense horror films ng Regal Films na The Debutantes,
maging ang producer na sina Mother Lily
Monteverde and Roselle Monteverde happy sa outcome na nasabing movie kung saan
kasama din niya na nagpakita ng galing sa nasabing movie sina Michelle Vito , Jane
de Leon, Sue Ramirez at Chanel Morales. Kaya tuklasin ang lihim sa likod ng mga
nakakakilabot na mangyayari sa magkakaibigan bago sumapit ang kanilang debut,
nakaka shock at madugong karanasan. Watch it now!
About Rico Miranda
Blogger Comment
Facebook Comment