MON CONFIADO , BILANG BUGAW SA DEKALIDAD NA PELIKULANG "MGA GABING KASING HABA NG HAIR KO"


HALOS ilang dekada nang namamayagpag sa industrya ang character aktor na si Mon Confiado ngunit sa kabila ng mahabang panahon na itinakbo ng kanyang career na humigit kumulang dalawangpung taon, hanggang ngayon patuloy pa rin siyang lumalaban at umaasa sa takbo ng industrya bilang isang magaling na alagad ng sining. Mon with over 300 films and TV series to his credit at nagampanan na nito ang ibat ibang roles mula sa pagiging extra at lead karakter. Pero Isa sa mga ipinagmamalaki ni Mon ay ang role nito sa "MGA GABING KASINGHABA NG HAIR KO" (Those Long Haired Nights) mula sa sanib puwersa ng Epic Media at Fluid SH Media kung saan gagampanan nito ang isang BUGAW ng mga rampadorang transgender na nagbebenta ng panandaliang aliw kapalit ng salapi sa Burgos Avenue St ,Makati City.
"Isa akong bugaw dito ng mga transgender ..as in pa girl na nagbebeta ng aliw . Ako nakikipag deal sa costumers . Nagawa ko na rin dati ang maging bugaw pero iba ito ..iba ang market nito natural na natural na nangyayari sa lansangan,"kwento ng aktor "Mararamdaman yung hirap ng buhay kung bakit namin ginagawa yun..pangangailangan kapalit ng panandaliang aliw. Kasi iba't ibang case ang kanilang mga probelama kaya nila nagagawa yun. Ipakikita dito yung kung papaano sila kumapit sa patalim may maiuwi lang na pera sa kanilang pamilya ...maganda talaga, makikita nila ang buhay ng mga transgenders at ang gaganda nila. Makikita mo yung transition ng pagkababae.

" Kaya sobrang ipinagmamalaki ko ang pelikulang ito kasi isa ito sa delakidad na mga nagawa kong movie. Sana nga marami pa akong magawang movie na makabuluhan. Kaya nga nasasabi ko na gutom ako in a sense na may gusto pa akong role na gustong gawin. "Hindi ko kasi inaalam o pinapasok sa utak ko na nagmarka na ako sa showbiz. Hindi ko inaalam kung saang level na ako. Baka masira ‘yun pagkagutom ko. Hindi naman lumaki ang ulo ko. Baka tamarin ako!” pahayag paMon.
Ang tagumpay nga raw ay hindi talaga nakaukit sa ting palad kundi yun ay pinaghihirapan kaya labis na natutuwa si Mon dahil ang isang katulad niyang character actor ay patuloy nalumalaban at hindi pa natatapos ang pakikipagsapalaran niya maabot lang kanyang mga pangarap.
"Marami akong gustong gawin , sa dami ng napagdaanan ko na sa showbiz lahat na yata ng artista nakasama ko na bukod tangi na lang si Nora Aunor ..siyempre pinangarap ko din makasama ang Superstar. 
"Nakatutuwa ngang isipin na ngayon nabibigyan na ng magandang apportunity ang mga kagaya namin mga character actor , dahil sa indie films nagbukas yung mga pintuan hindi lang akin kundi sa iba din na nagbibida na rin ngayon.
"Dati kasi ang hirap eh.. iba ang labanan eh , pag mistiso ka guwapo yun ang kalakaran before . pagwapuhan ang mga artista diba? E ako patpatin pa nun kaya nga kahit papaano nandito pa din ako.
"Kasi ako naman yung tipo ng artista na hindi tumatanggi kahit pa libre siya maliit na role ..kahit na ano tinatanggap ko ..ganun ako ka tiyaga ..hindi ako maarte kaya yun ang isa sa mga advantage ko," pahayag pa ng isa sa cast ng pelikulang "Those Long Haired Nights (Mga Gabing Kasing-haba Ng Hair Ko)” na nakatakdang ipalabas sa BUSAN International Film Festival (BIFF) World Premiere sa October 12-21 2017. In attendance for the Guest visit will be , Direktor Gerardo Calagui, Writer Mark Duane Angos, Producers, Bianca Balbuena & Bradley Liew, Executive Producers, Manuel Marinay and Mabel V. Mamba, Supervising Producer Niel Maristela and Actors Matt Daclan and Anthony Falcon.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment