HINDI naman pala nakapagtataka kung bakit disidido ang 3:16
Events and Talent Management Company na
sugalan at I build up ang bagong boy group na CLIQUE5 na binubuo ng limang
talented na sina Marco, Karl, Sean, Clay at Josh. Kaya naman pala ganu’n na lang ka pursigido
ang kanilang manager na sina Kathy at Len ay talaga naman palang may ibubuga ang
grupo hindi lang sa pagsayaw kundi magaling din silang na mga singer.
Bago pala sinalang sa recording Clique5 ang daming proseso
na pinagdaan ang grupo , puspusan ang kanilang pag wo workshop sa PETA at
maging sa voice lesson at personality development sumalang din ang grupo.
Ayon sa kanilang manager na si Kathy at Len “ Ayaw namin na
half baked o hilaw ang CLIQUE5 kapag sinalang naming sila …gusto naming prepared
sila at ready sa papasukan nila,” paliwanag ng kanilang Talent Mangement.
True enough, hasang hasa na nga ang CLIQUE5 ng humarap ang
lima sa kanilang launching just recently. Ipakinata ng nasabing grupo sa harap
ng press people ang kanilang mga kakayahan
bagay naman na ikinahanga ng lahat dahil talagan naman palang may mga
itinatagong talent ang lima na puhunan ay pagsayaw at pagkanta.
Ang naturang launching ay kaugnay ng kanilang digital
Christmas song entitled “Tuwing Pasko” na nilikha ng award winning songwriter
na si Joven Tan. It was said that the award winning composer will also
contribute ang hugot song na “Bakit Hindi” at ang upbeat na “Puwede ba, Teka
Muna” ata ang kanilang unang album will released in early 2018.
Ang apat na members ng grupo na sina Josh , Karl, Sean at
marco ay pawing mga produkto ng artista search na Circle of 10 na naglunsad sa
mga sikat nating mga artista ngayon sa kasalukuyan. Among the others ..si Clay
lang ang hindi graduate ng Circdle of 10 pero siya ang nagssisilbing poste
ng nasabing grupo kung saan siya ang isa
sa lead vocalist ng CLIQUE5.
Malaki ang posibilidad na masungkit ng grupo ang tagumpay
sa larangan ng industrya kasi nga’y there no limited pagdating sa kanilang talent.
Kahit saan sila isabak puwede silang isalang kahit sa pag arte , pagsasayaw at
pagkanta na bibihira sa ibang boy group at yu’n ang edge ng grupo diba Dominic Rea?
0 comments:
Post a Comment