Pagkatapos ng ilang buwang pahinga muling magbabalik serye
ang magandang aktres na si Katrina Halili sa kanyang pinakabagong programa na
dapat abangan sa darating na 2018. Tuloy na tuloy na nga ang nasabing serye
dahil today ang kanilang first taping day ang aktres sa kanyang pambuenamanong
proyekto sa GMA7 kung saan isa si Kat sa mga bida sa nasabing serye kasama ang
Miss World 2013 na si Miss Megan Young na
for the first time makakasama
niya sa “The StepDaughters”sa GMA7.
“Today Dec 20 nakapag taping napo kami po ang 1st taping namin ng Step Daughters,
Happy po ako, kasi kahit Workshop, Storycon, Gma plugshoot palang kami
nagsasama esp Megan Young, I can feel her energy, na super positive talaga,
actually even sa production, we’re all excited na po to this project. Promising
yun storyline, it’s about 2 women na Magkaaway, magkaribal, magkaagaw sa lahat
ng aspect ng life,”kwento ni Katrina.
Gagampanan ni Katrina ang papel bilang si Isabelle na
kapatid ni Mayumi (Megan) na kapwa pinanganak at lumaking mahirap ngunit
nakatadhana na lumaking magkasalungat at hindi magkasundo.Isang lihim na
pag-aangkin ng yaman ng pamilya ni Isabelle kina Mayumi ang dahilan upang
lumaki silang magkasalungat ang buhay. Higit pang titindi ang alitan nang
pakasalan pa ng ama ni Isabelle ang ina ni Mayumi at naging stepsisters sila.
Magkaagaw sa atensyon ng pamilya, magkalaban sa karangalan at kayamanan at
higit sa lahat, magkaribal sa iisang lalaking bumihag sa kanilang mga puso.
Sino sa dalawa ang magwawagi sa laro ng buhay at pag-ibig?
"Abangan na lang po natin ang napaka gandang story sa
buhay nina Mayumi at Isabelle. Isa po iyo sa ipinagmamalaki kong character very
challenging role po para sa kin ito na mapapanood early 2018 ", dagdag pa
niya.
Si Megan ang makakaranas ng hagupit at bagsik ni Katrina sa
nasabing programa. Kaya abangan ang mga maiinit na tagpo sa bangayan at
pagmamalupit ni Isabelle sa babaeng umagaw sa kanyang minamahal at kabuhayan.
"I enjoy working with Megan although ngayon lang kami
nag katrabaho pero okej naman siya para sakin. Ako naman sa eksena lang ako
mataray pero sweet ako in real life in explaine ko na yun kay Megan para naman
di siya mailang din sakin so far were okej," pagtatapos ng aktres na
ngayon ay busy sa taping ng kanyang bagong show sa GMA 7 kasama sina Megan Young, Mikael Daez , Angelu
de Leon ,Garry Estrada , Glydel Mercado at marami pang iba. Huh!
Blogger Comment
Facebook Comment