Reunited movie nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado ang
kanilang latest movie na "All Of You" under Quantum Films and MJM
Production na ma suwerteng pumasok sa 43rd metro manila Film Festival MMFF
ngayong 2017. Pero kay Jennylyn sa dinami rami ng kanyang pelikulang nagawa ang
pelikulang "ALL Of YOU" raw umano ang maituturing niyang pinaka
daring na nagawa niya with Derek Ramsay .
"Kailangan kasing gawin yun. Kaya masasabi kong ito na
yung pinaka grabe na love scenes na ginawa ko. Siguro lima 'yung maiinit na
love scenes namin ni Derek." nakatawang pahayag ng aktres.
"Itinodo ko na dito ayoko kasing sabihin na naman ng
mga manonood na parang ilang na ilang ako sa pakikipag love scenes. So, dito
ibang Jen ang mapapanood nila.
"Mas mature kasi ang character ko dito sa movie at
challenging ang papel na ginampanan ko rito. Medyo takot magmahal dahil takot
masaktan dahil galing isang failure relationship.
"E, hindi naman ako ganun, kahit naranasan ko na rin
yung masaktan, Ito na rin yung pinaka daring na ginawa ko talaga in terms of
love scenes namin ni Derek. Kasi i trusted naman sa aming director na si Dan
Villegas. Alam ko naman in good taste at hindi malaswang panoorin at alam kong
hindi lalabas sa laswaan ang bed scenes namin dito,"paliwanag pa ng
aktres."
Hindi raw ba nagalit ang kanyang current boyfriend na si
Dennis Trillo sa ginawa niyang daring scenes with Derek ?
"So far hindi naman siya nagalit. Tinimbrihan ko naman
siya at in explain ko sa kanya ...tsaka alam naman niyang trabaho lang . Ang
sabi lang niya hindi na lang siguro siya manonood para hindi siya mailang. Mas
okej na rin para maging ako hindi ako mailang sa kanya."
Marami ang humuhula na ang pelikula nina Derek ramsay at
Jennylyn Mercado ay posibleng isa sa maging topgrosser sa MMFF 2017 dahil subok
na nga raw pagdating sa takilya ang tambalan ng dalawa . Isa pa malaki rin ang
chance ni Jennylyn na masungkit nito ang Best actress sa darating na MMFF
awards night.
"Una nagpapasalamat ako sa tiwala na binigay nila sa
akin, Kasi compared to my other two films where i won awards before English
Only ..Please and Walang Forever iba
ibang ang character ko dito . sana lang mapansin nila yung pagkakaiba. Siyempre
ayokong mag expect we will see na lang kung palarin di mas okej but hindi okej
lang din. Ang pelikulang " ALL OF
YOU" ay showing na sa Dec 25 in all cinema's nationwide.
Blogger Comment
Facebook Comment