SA pamamagitan ng Regal Films nabigyang katuparan ang isa sa
pinapangap ng baguhang actor na member ng [Hashtag] na si Jon Lucas na maging
isang ganap na actor at magkaroon ng isang lead role sa isang pelikula. Sobrang
pasasalamat ni Jon sa ibinigay na tiwala sa kanya ng producer ng Regal na si
Mother Lily Monteverde na mapabilang sa cast ng pelkikulang “Haunted Forest” na
entry sa darating na Metro Manila Festival MMFF 2017 na showing sa araw ng
kapaskuhan Dec 25 nationwide.
Isang napaka importanteng role ang gagampanan si Jon sa
nasabing pelikula bilang si Andrei. Kabilang siya sa grupo na tutuklasin ang
lihim ng kagubatan at lalabanan ang sa'ng misteryosong “SitSit” .
“It’s a big apportunity para sa akin ang magkaroon ng
ganitong uri ng pelikula. Hanggang ngayon di pa din ako makapaniwala na first
time kong magkaroon ng movie sa Regal timing na pumasok pa sa MMFF . Imagine
..hindi lahat ng baguhang artista na kagaya ko na magkaroon ng ganitong
pagkakataon kaya sobra ang sya ko at pasasalamat sa Regal [Roselle
Monteverde-teo] ,”entrada ng guwapong actor nang makapanayan naming siya sa
Grand Media Con ng pelikulang “Haunted Forest”.”
“Bata pa po ako lagi ko nang napapanood ang mga pelikula ng
regal Films lalo na po yung mga horror movie nila.
“Napapanood ko na ang ‘Shake, Rattle & Roll’, talagang
ito po parati ang pinapanood ko kapag MMFF, kaya ang sarap ng pakiramdam na
kasama na ako ngayon. Dati manonood lang ako, ngayon nandito na ako sa Regal.
Ang sarap sa pakiramdam,” sabi pa ni Jon.
“Siguro po to na yung pinaka da best na regalong matanggap
ko mula sa pagkabata ko.Ang maging part ng ganitong uri ng movie na
maipagmamalaki ko. Wala na kong mahihiling ngayon pasko!..ito na yun.
“At ang pinaka exciting dito yung sasakay kami sa float na
dati rati napapanood ko lang .. so iba yung pakiramadam eh parang hanggang
ngayon di pa rin ako makapaniwala. “
Sa pelikulang Haunted Forest bagong Jane, Jameson, Mariz at
Tom ang makikilala ng mga manonood . Ang apat na magkakaibigan na tutuklasin
ang misteryo ng kagubatan. At dapat ding abangan kung sino si “SITSIT” na
siguradong hinding hindi natin malilimutan at malamang na magma- marka sa ating
isipan pagkatapos mapanood ang pelikula na handog ng Regal Entertainment Inc.
Si Jon ay kasalukuyang mapapanood pa rin natin sa programang
It’s Showtime kung saan kasama niya ang miyembro ng “Hashtag” kung saan ka miyembro nila ang
pumanaw na si Franco Hernandez . May lungkot pa din sa mata ni Jon sa biglaang
pagkawala ng kaibigan. Pero ang ikinabigla ni Jon ay kung bakit may isang
basher na nagsabing nasa raw ay siya ang namayapa ang hindi na lang si Franco.
“May nagsabi nga po na Twitter user, wala naman po akong
reaksyon, sabi ko lang, ‘sana nga kahit hater kita napasaya kita kahit minsan’
“Hindi naman po ako nagalit o nainis sa kanya kasi hindi
naman po magkakatotoo ang sinabi niya, tinanggap ko na lang po na may mga
ganu’n tao sa social media na kahit anong sabihin nila ay akala nila okay lang.
Hindi po ako pumatol.
“Tapos nu’ng maraming nag-bash sa kanya, nag-status na ako
na huwag na siyang patulan, hayaan na lang natin,” paliwanag ni Jon
Tungkol naman sa sa kayang kaibigan na si Tom Doromal ayaw
na ni Jon na magsalita dahil siya raw umano ang naiipit sa pagitan ng
girlfriend ni Franco at Tom.
“Nag-post po ako ng
pag-support kay Tom kasi ang dami ko na pong nababasang comments ng mga tao na
sobrang foul na po.
“Lilinawin ko lang po ‘yung side nu’ng girl, hindi po ako
against doon, hindi ko po sinasalungat lahat ng pangyayaring sinabi niya, hindi
ko po kinontra ‘yun.
“Ang akin lang po kaya ako naglabas ng mga ganu’n direkta po
iyon sa bashers na nanghuhusga at naninisi kay Tom. Sana huwag na nating
sisihin ‘yung tao dahil unang-una wala naman tayo lahat doon sa pinangyarihan
saka hindi natin alam talaga kung ano ang nangyari.
“Para na lang po kaibigan naming si Franco siguro pa
patahimikin na lang natin siya ..yun lang po!.” Huling pahayag ng actor na isa
sa bida sa pelikulang “Haunted Forest” with Jane Oineza, Jameson Blake at Maris
Racal at ito sa direksyon ng
international award winning director na si Ian Lorenos kasama din ang mga batikang actor na sina
Raymart Santiago at Joey Marquez. showing DEC 25 in all cinema's nationwide.
Blogger Comment
Facebook Comment