Nabasa namin ang column ng katotong Leo Bukas yesterday at habang binabasa namin ang pahina ng
nasabing column maliwanag na mali ang ginawang pagtrato ng manager ni Xander
Ford at ng grupong Upgrade sa manager ng
CLIQUE5 na si Len Carillo na presidente din ng 3:16 Events & Talent
Mangement. Hindi naman ata makatarungan na sa maliit lang na bagay o simple
reason ay pakitaan mo ng kaganspangan at ipagtabuyan mo ang mga tao.. hindi
maganda yun ? Ang pagiging mal edukada at kawalan ng respeto sa kapwa ay walang lugar at magiging puwang sa
mundong ating ginagalawan.
Base sa paliwang nang manager ng CLIQUE5 na si Len sa isyung
ito , hindi naging maganda ang pinakitang maling asal sa kanila ng manager ni
Xander Ford. Wala naman daw sanang problema kung sa simula pa ay sinabi na sa
kanila na maliit lang ang studio na plano nilang rentahana at di kayang i
occupied ang 7 members ng nasabing grupo. Hindi na raw sana nagkaroon ng hindi
magandang pagkakaunawaan kung from the very start ay pinaliwanag nila kay Len
(manager ng CLIQUE5) ang ganung sitwasyon.
"Kung sinabi
nila sa kin o in explaine nila na maliit ang studio at hindi puwedeng rentahan
di walang problema.Puwede namang maging honest, di ba? ’Yung totoo lang sana,
hindi yung iba ang sasabihin. Kita mo naman kung gaano kalaki yung studio ko,
pero dahil may contract yung nagre-rent do’n at kailangang mag-rehearse ng
Clique5 para sa kanilang concert kaya humanap kami ng rerentahan for that day,”
ito ang naging pahayag ni Len sa kanyang publicist na si Leo Bukas.
Sa palitan ng mga maaanghang
na salita sa pagitan ng manager ng CLIQUE5 na si Len at ang manger ni Xander
Ford nagawa pa ng huli na laitin at ismolin ang kakayahan ng nasabing
manager ng grupo at maging ang nalalapit na show ng CLIQUE5 sa darating na FEb
27 sa Music Museum ay nagawa ring tirahin ng manager ni Xander.
“Siguro first and last n’yo na yan sa Music Museum. Kasi for
sure, lalangawin yan. Kasi kami, di ko na mabilang kung nakailan na kaming
produce ng successful shows shows sa Music Museum. Pakitanong na
lang, ha.” ito daw umano ang naging pahayag ng manager ni Xander sa nalalapit
na concert ng grupo ayon sa sa PR ng grupo na si Lykaboo.
Sana lang maayos ang gulong ito, the damage has been done
pero nadadaan naman ito sa mabuting usapan. Sana lang huwag nating pairalin ang
inggit at pag ka insecure sa kapwa, pakitandaan lang na mas mapalad ang
inaapi kaysa nang aapi ng kapwa. Yun lang!
Blogger Comment
Facebook Comment