PARA kay Sylvia Sanchez maituturing niyang malaking blessing
para sa kanyang career ang first movie niyang “Mama’s Girl” na opening salvo
ngayong 2018 ng Regal Films. As usual mother role pa rin ang gagampanang role
dito ni Sylvia aka (Ibyang) bilang magulang ng aktres na si Sofia Andres. Kung
sa teleseryeng ‘Greatest Love’ at ‘Hanggang Saan’ ay may pagka martir at aping
ina si Sylvia dito sa pelikulang “Mama’s Girl’ kakaibang magulang naman ang
ipamamalas dito ng aktres isang ina na hindi kayang sakyan at unawain ang
kagustuhan ng anak. Dahil nga sa millennial na at modernong panahon may mga
bagay na nagawawa ang anak na hindi lubos na nauunawaan ng magulang. Millennial
mom sabi nga at fighter
”Loud ako rito e, at saka sexy. Lume-level up, e. Pero
strong mom siya. Na no matter what, kahit saan siya magpunta, hindi niya
iiwanan ang anak niya. Malaming makaka relate sa pelikulang ito dahil sa
panahon ngayon maraming magulang na gustong mapabuti ang kanilang anak.”entrada
ni Sylvia na sexy’ng sexy sa kanyang kasuutan.
“Pero dito kahit na very strong na ina ang character ko may hugot din siyempre ina tayo eh . kahit
na sa kabila ng pagiging matigas natin sa ating mga anak nadu’n pa din yung
kahinaan natin. Diba?,”
Puring puri naman ni Sylvia ang aktres na si Sofia Andres na
magsisilbing anak niya sa pelikulang “Mama’s Girl”.
"Hiyang hiya ako kay sofia , pero talagang bumawi ako
sa kanya.Kasi Pictorial first day kaming nagkita ..first time ko siyang
nakilala. Buong cast muna nag pictorial, then kaming dalawa na. Paghawak ko sa
kanyang mga kamay sobra siyang nanlalamig as in nanginginig.
"Sabi ko bakit ka nanginginig ? Sabi niya ..kasi po
natatakot po ako sa inyo!.Sabi ko huwag kang matakot mukha lang akong impaktita
pero mabait akong tao.Huwag ka lang impakta dahil mas impakta ako.Yun ang sabi
ko kay Sofia diretsahan.
"Anak kita rito, Nanay mo ako so kailangang naging
close tayo sa isa;'t isa.Wala tayong choice. So heto na ngayon ahh yakap
yakap...gan'un tawanan.
"Tapos sabi niya sakin Tita marami nangsasabi na
kamukha ko daw po si Ria yung anak ko. Actually magkamukha nga kayo para kayong
magkapatid.Sabi niya Yes Tita, marami nagsasabi niyan.Humirit ako actually
hindi lang ikaw ang kamukha ni Ria meron pa isa...si Sofia Andres.
"Kasi aminado ako na mahina ako sa pangalan at
birthdays.Pero ang mukha tandang tanda ko lalo na pag na meet ko na.Tapos
tinanong niya ako kung siya.Pagkatapos ok basta tatlo kayong magka mukha yun
ang sabi ko.
"Nung kinabukasan..nagkita kami after..sabi ko tapos
pag uwi ko.'May kabobohan ako ng nagawa'.Sabi ng anak ko si Ria "Bakit?
Diba kasama ko si Sofia Andres? So ikinuwento ko kay Ria.
"Sabi ni Ria sa akin Mom duh 'Your so yuck Ha Ha
Ha!Tawang tawa ako.Kaya nung magkita kami ni Sofia nag sorry ako sa kanya.Ayun
heto na kami ngayon yakap yakap at magkasama sa movie."paliwanag ni
Sylvia.
!997 pa pala nung huling gumawa nang movie si Sylvia sa
bakuran ng Regal Film baguhan pa lang si Ibyang n’un 20 years na ang lumipas.
This time muling magbabalik sa Regal ang nasabing aktres kaya labis ang kanyang
katuwaan sa muli niyang paggawa ng movie sa nasabing kumpanya. Maging si Mother
Lily Monteverde ay willing pang sugalan muli ang Award Winning Aktres dahil
bilib si Mother sa husay na artista ni Sylvia.
“Gusto kong sabihin
sa inyo, thankful ako rito sa movie na ito, wherein fact, sinabihan ko si
Mother Lily na, “Mother, ang tagal mo na akong hindi kinuha sa movie.” So
ngayon bumalik siya sa akin, bumalik ako sa kanya, kaya thankful ako. At sabi
ko,” Mother huwag mo na nga akong iwan.” Naglolokohan kami.
“Kung ano man ‘yung istorya namin ni Mother Lily, sobra kong
tini treasure ‘yun. Si Mother Lily ‘yung nagdiskubre sa akin. Pero kung ano man
‘yung kwento namin, sobrang haba kaya huwag na lang (ikuwento).
“Kung gusto ninyo mag-usap tayo ng isang araw, uupuan kita,
hindi ko ididinay. Kasi walang dapat idinay. Kasi kung ano man ‘yung
pinagdaanan ko, ipinagmamalaki ko ‘yun, dahil dun ako humugot ng lahat ng
tapang.
“At kung meron mang nagtawa sa akin noon, thank you! Dahil
sa inyo ako kumuha ng lakas at tapang. Ngayon nandito ako sa showbiz, masaya
ako dahil binigyan ako ulit ni Mother Lily ng pelikula. Kung hindi kay Mother
Lily, wala ako rito (sa showbiz). Malaki ang utang na loob ko sa kanya at hind
ko ‘yun makakalimutan.”
Sa nasabing movie kasama rin sina Sofia Andres ,
Diego Loyzaga, ar Jameson Blake at ito ay sa direksyon ni Connie S.A.Macatuno
palabas na sa darating na January 17, 2018 in all cinema’s nationwide.
Blogger Comment
Facebook Comment