SA NAG VIRAL NA NUDE VIDEO!
"It’s really no big deal..It was an accident at hindi ko siya ginawa para mambastos o maka-offend".
"It’s really no big deal..It was an accident at hindi ko siya ginawa para mambastos o maka-offend".
HINDI lingid sa ating kaalaman na nagkaroon nang hindi
magandang pagkakaunawaan ang mag amang Diego Loyzaga at Cezar Montano kung
ilang taon ding pinag piyestahan sa showbiz industrya ang hidwaan ng nang mag
ama.
Sa Grand presscon ng pelikulang “Mama’s Girl” kung saan
kasama si Diego sa nasabing pelikula humarap ang binata sa media para sagutin
ang mga intriga sa kanya. Kauuwi lang pala ni Diego galing sa bansang Sweden
kung saan dun sila nag celebrate ng New Year ng kanyang ina na si Teresa
Loyzaga.
Nilinaw ni Diego sa press people ang hinggil sa hidwaan
nilang mag ama. Ang sagot Diego “Nag-usap lang kami. I mean, we eventually came
to a point na, iyon nga. Magiging okey rin naman talaga, lilipas din naman ang
mga problema.Iyon, lumipas nga, nagkabatian kami ng Happy New Year at
Maligayang Pasko. I think it’s already an unspoken thing that past is past.
Water under the bridge. He’s still my father and I’m still his son,” ANIYA.
MARAMI nga raw natutunan si Diego sa nangyaring hidwaan
nilang magama. Dun daw niya natutunan ang magpakumbaba.. naging matatag at
kahalagahan ng isang magulang.
“A lot. It showed me
how much and how important a father sa buhay ng isang anak whether babae o
lalake. So I guess, I learned the value of my parents more noong nangyari ang
iyong incident.
“Never akong nagsisisi sa ginawa ko. We all learn from what
we do. Kung hindi nangyari iyon, di ako matututo.“I think, things are better
now.
“I think I’m a new
person. Pakiramdam ko, ang gaan-gaan,” sabi pa Diego.
Nilinaw din namin kay Diego kung talaga bang may namamagitan
na sa ka loveteam nitong si Sofia Andres. Marami kasi ang nagsasabi na mukhang
mag on raw diumano ang dalawa.
“I don’t want to put a label on it. I think, labels are
overrated,”sundot niya. “Pero, I know for sure, walang ni isang tao sa buong
mundo na mas kilala si Sofia Andres , ako lang iyon. I’m the only person in
this whole world who knows Sofia this much and I can say the same for her. She
knows me that much.
“It’s not true.
Gawa-gawa lang iyon ng ibang tao. Maris, Sofia , Inigo and I are friends,”
“Alam mo ba iyong pinagsamahan namin ni Sofia in three
years, grabe na. Hindi ko naman siya binabatukan. Ganito lang naman iyon.
Ganoon lang, in a loving way. Pag close ka sa isang tao,even the way you talk
to the person, nag-iiba. Of course not, na binabatukan ko siya. walang malisya.
I don’t mean to be disrespectful with any gesture of endearment. I guess no one
else could understand what’s going on between Sofia and I, kundi kaming dalawa
lang.
Naging viral sa socmed ang VIDEO ni Diego kuha sa kanyang
pagba bakasyon sa bansang Sweden kung saan tumatakbo na naked sa snow na na
post sa kanyang IG account.
“It was an accident
at hindi ko siya ginawa para mambastos o maka-offend. “It’s actually part of my
IG story at makikita mo iyon sa blog ko. In Sweden , as in other European
countries, it’s no big deal. Bucket list ko talaga na makita iyong snow and
people there run naked in the snow. My mom and I even took a video of it when
we were there. So, it’s really no big deal,” paliwanang pa ng guwapong actor na
kasama sa pelikulang “Mama’s Girl” showing on January 17, 2018.
About Rico Miranda
Blogger Comment
Facebook Comment