SYLVIA SANCHEZ SUPER IN DEMAND NA AKTRES AT SA PAGIGING MOTHER ROLE



SYLVIA SANCHEZ AND MOTHER LILY MONTEVERDE                    


Sa unang pagkakataon , nakadaupang palad namin ang isa sa pinagpipitagan at Award Winning Actress na si Sylvia Sanchez . Sa ilang oras na pakikipag kwetuhan namin sa bida ng pelikulang “Mamas Girl” mahahalata mo sa pagkatao niya ang pagiging prangka pero sa kabila ng pagiging prangka ng aktres nandun pa din yung pagiging totoong tao at pagiging mababa ang loob at taglay na kabaitan , maunawain kaya no wonder kung bakit minahal siya ng sanbayanan bilang isang uliran at martir na ina sa kanyang mga character. Kahit pala sa totoong buhay ay talagang ibang klaseng magmahal ang isang Sylvia di’ lang sa kanyang pamilya kundi maging sa kanyang mga kaibigan.. napaka warm niyang makitungo. Nakaka intimidate sa una pero habang nakikipag kwentuhan ka sa aktres madadama mo yung pagiging sincere at totoong tao niya .
Sa totoo lang maituturing kong isang malaking karangalan na nakadupang palad ang isang kagaya ni Sylvia na respetado at magaling na aktres sa larangan ng industrya.
Samantala, blessing naman ang turing ni Sylvia sa first movie niya ngayong 2018 . Masaya ang aktres  dahil pagkatapos ng mahabang taon balik Regal Films muli si Sylvia para sa kanyang pinaka bagong movie na “Mama’s Girl” ang pelikulang magpapaiyak at may tagos sa puso na kahit na sa kabila ng kanyang pagiging fighter at strong na ina sa likod nito umiiral pa din ang kanyang kahinaan sa kanyang anak.
Aniya. “Napakasarap sa puso na maging bahagi ng isang proyekto na alam mong may magandang mensahe  para sa mga manonood. Kung sa “Greatest Love” at “Hanggang Saan” ay nakita n’yo bilang isang martir na ina na isasakripisyo ang lahat para sa anak , dito sa “Mama’s Girl” ibang nanay naman ang makikita niyo- makabagong ina , millennial mom medyo matigas pero siyempre kahit gaano tayo ka strong in the long run nadun pa din yung nasasaktan tayo …iba ang magulang eh.”kwento ni Ibyang.
Ang pelikulang :”Mama’s Girl ang isa sa ipinagmamalaki ni Sylvia na movie na nagawa niya. Sa totoo lang very positive at optimistic ang aktres na nakakagatin ng masa ang kanyang bagong movie.
“Im sure maraming makaka relate sa movie. Sa kakaiabang takbo ng buhay ngayon mga millennials na lubos na hindi naiintidihan  ng kanilang mga magulang.
“Single mom man o hindi lahat ng nanay ay magsasabing naranasan o naranasan nila ang pinagdaanan ni (Mina) yung character ko.’Yung punto ng buhay mo na mapapaisip ka kung anong nangyayari sa anak mo at sa rekasyon ‘yung mag ina.
“Ang big question kasi d’un ..napabuti ka nga ba dahil sa akin o mas napasama pa?. Siguradong hindi ka lang iiyak eh  sa mga eksena dito kundi mapapaisip ka tungkol sa estado ng iyong pamilya.. ang ganda kaya huwag po nating palampasin ang pelikulang ito dahil ito yung magsisilbing halimbawa sa mga pamilya na may ganitong sitwasyon sa buhay…kumabaga may mapupulot na aral sa lahat ng mga magulang na hindi maintindihan ng anak.”
Samatala kasama rin sa pelikula sina Sofia Andres bilang si (Abby) ,Diego Loyzaga at Jameson Blake. Bahagi din ng cast sina Yana Asistio, Heaven Paralejo, Karen Reyes, Arlene Muhlach, Allan Paule, Alona Sasam, at marami pang iba .

Huwag palampasin ang inspirasyonal drama film ng Regal sa pagbubukas ng 2018 na magbabahagi ng kakaibang , kahulugan sa pag ibig, pagnarap, pagdamay, at pagpapatawad “Mama;s Girl” na mapapanood sa January 17, 2018 nationwide.






Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment