Director Jose Javier Reyes dream project ang pelikulang "WALWAL" ng Regal Films


 NAKAPANAYAM namin ang isa sa premyado at respetadong director na si direk Jose Javier Reyes just recently sa storycon and look test ng mga bida sa pinakabagong movie ng Regal Films na may titulong “Walwal” na umuusong term ngayon ng mga kabataan. Sa nasabing Teen oriented film buong magmamalaking ibinahagi sa min ng nasabing director na dream niya na makagawa muli ng isang pelikula na ang tema ay tungkol sa istroya ng mga mag ba- barkada, kasi nga’y matagal na rin ang panahong lumipas na hindi nakakagawa ng isang youth oriented movie si direk Joey Reyes, kaya naman muli niyang ibabalik at bubuhayin ang trend ng ganitong uri ng movie kagaya nang ginawa niya before ang “Pare Ko” taong 1994 na naging box office sa takilya na ang naging bida dito ay sina Mark Anthony Fernandez, Jao Mapa, Victor Neri at Jomari Yllana.




“This is my updated version of Pare Ko. I’ve been wanting to do another Pare Ko but this time, using contemporary kids.
“Gustong kong gumawa talaga ng youth movie, yung hindi romcom. Yung about young people talaga, not necessarily about love kundi about sa mga nangyayari sa mga bata ngayon.
“It’s just a look at the young people today without having to fall into the trap of a romance. Because I
believe na ang buhay ng mga bata higit pa kesa sa mga lovey-dovey sa buhay nila.”kwento ni direk.

Ayon sa respetadong director matagal na niyang gustong simulan na gawin ang kanyang dream project na isinulat mismo ng kanyang student sa La Salle.
“This is a dream project. Ang tagal ko ng naghahanap ng… ang tagal ko ng gustong sumulat ng ganito tapos ang nakakaaliw, estudyante ko ang nagbigay nung script, di ba?Nakakatuwa talaga alam mo yun?.
“Parang it’s a double joy na you’re directing the material of your student. Parang dinidirek mo yung material ng anak mo, so ang saya,”pagmamalaking turan niyang pahayag.  

Apat na kabataang lalake ang napisil ni direk Joey  para gumanap na mga bida sa pelikulang "Walwal". Personal choice ng nasabing director ang bagong "Walwalboys" na pawang may dugong artista na sina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Donny Pangilinan bukod si Jerome Ponce ang walang dugong showbiz na masuwerteng napabilang sa nasabing grupo.
“The script came ahead, eh. The casting came after the script rather than a casting coming before the script. So, nung binabasa ko, naghahanap ako ng mga tao na tugma at alam kong kaya yung role. Lahat sila hand-picked. 
“Alam ko kaya ni Elmo yung role niya. Alam ko na matutulak ko si Kiko sa role niya. Alam ko na Donny is good for that role. Jerome naman has the hardest dramatic role because I know, magaling siya, saka alam kong malalim ang paghuhugutan niya don sa role niya.
"May kanya kanya silang highlight sa pelikula at equal silang lahat. May mahirap may pasaway , may isang nagangarap na maging isang film maker ngunit di naman  na a appreciate ng mga taong malalapit sa kanya..maganda istroya natural na nangyayari sa kapaligiran ng kabataan."sabi pa ni direk

Malaki nga raw ang kumpinsya ng nasabing director na may kanya kanyang katangiang galing pagdating sa pag arte ang kanyang apat na bida sa kayang bagong project. Sa grupo ang anak lang ng award winning actress na si Maricel Laxa ang maituturing na baguhan at walang experience na pag arte sa movie.
“I wanted to push the acting of this four kids because I believe in the acting ability of this four kids. For me parang sila yung nakikita kong bagong henerasyon sa ganitong tema ng pelikula. ",suntot pa niya.
“Si Donny naman , ang big advantage niya is hindi naman dahil bago siya, eh, matalino siya.
“Si Donny parang apo ko yan, ako ang ninong sa kasal nina Maricel (Laxa) at Anthony (Pangilinan), so parang apo ko na siya. I wanted to work with him at masaya ako na ako ang magdidirek ng kanyang first movie. Saka Diyos ko, anak yan ni Maricel Laxa. Genetic na yan ‘no (pagdating sa acting).,"huling pahayag ni direk.



Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment