Introducing sa pelikulang “WALWAL” ng Regal Films ang isa sa
limang anak ng award winning actress na si Maricel Laxa na si Donny Pangilinan. Ang director nang nasabing pelikula na si Joey
Reyes ang naging susi sa pagpasok ng binata sa mundo ng pelikula. Lumaki si
Donny na hindi nakahiligan ang pag arte ,surfing , hosting at pag ba basketball
ang nakahiligan niya sa kanyang paglaki pero ngayon sumabak na rin sa pag arte
sa pelikula ang guwapong anak ni Anthony Pangilinan. Well may dugong artista
kaya hindi nakapag tataka diba?
“Sobrang excited po ako. Actually, matagal na akong nagdadasal, ang tagal ko nang iniintay
ito. Ang dami naming ginawang workshops, pinag-aaralan ko po ’yung mga script
namin sa bahay. Two years na po ito in the making,” panimula ni Donny nang
makapanayam namin siya sa kanilang look test and storycon sa pinakabagong
movie ng Regal Entertainment na may pamagat na “Walwal” kung saan makakasama ni
Donny sina Elmo Magalona, Jerome Ponce, at Kiko Estrada.
“Gusto ko po talagang umarte. Kasi naghu-host na po ako, may
record label na po ako pero wala pa po akong acting project.
“So nag-meeting po kami ni Mother (Lily Monteverde), sobrang
blessed po ako kasi I get to be part of this barkada movie that I can relate to
kasi siyempre 20 years old lang po ako, so pinagdaanan ko talaga ’yung nangyari
sa movie. In the movie, we’re showing a different side of teenagers,” lahat pa
niya.
Naging madali nga raw para kay Donny na pasukin ang pelikula
with the help of Direk Joey na siyang mismong kumausap sa kanyang mommy na si
Maricel Laxa . Ayon kasi kay direk isa si Donny ang napipisil niyang maging isa
sa bida sa pelikulang Walwal ng Regal.
Photo courtesy of Donny Instagram account “Something very interesting there is my mom was pregnant with me when she won one of the Famas Awards directed by Direk Joey. So it’s like history repeating itself kasi out of all the directors, it was really Direk Joey who stood out with my mom, sobrang close nila, siya pa nga ’yung ninong sa wedding nila, eh.
“I’m blessed kasi sobrang close siya sa family namin and I
get to really work with him, i-prove ’yung craft ko, saka I couldn’t believe
that my first movie, it would be directed by Direk Joey, sobrang blessed na
ako.”aniya.
Sa look test na ginanap sa Regal Valencia compound naispatan
namin ang father ni Donny na Francis Pangilinan na mukhang todo effort and very supportive sa
pagpasok niya sa pelikula. Ano ba masasabi ng kanyang mommy Maricel ngayong
isa na siyang ganap na artista?
“Wala nga siya ngayon my mom she’s at home right now but she
is proud of me. Mas excited pa mommy ko kaysa sakin , nakikita ko yung effort
ng parents ko sa ginagawa ko ngayon.”kwento pa ni Donny.
“Binasa niya ’yung buong script even before nakita ko. Hindi
pa nga sini-send sa akin nabasa na niya kasi sobrang excited din siyang makita
na umarte ako. Kasi yun talaga gusto eh! Bale ito yung acting debut ko and
sobrang excited ko talaga.
“And together, of course, she’ll help me, read my lines,
kung saan ko makukuha ’yung pain ko or ’yung hugot o ’yung mga kailangan ko
talaga si mommy ’yung magiging
inspiration ko and support ko,” aniya.
Ayon pa kay Donny si John Lloyd Cruz daw ang isa sa hinahangaan
niyang actor at ang Mega star na si Sharon Cuneta.
0 comments:
Post a Comment