KATRINA HALILI MALA CHARLIZE THERON AT SCARLETT JOHANSSON ANG EKSENA SA PELIKULANG KONTRADIKYON!

Nakausap namin ang aktres na si Katrina Halili nang dumating galing Bahrain,UAE kung saan nagkaroon siya ng matagumpay na series of show sa key cities ng nasabing lugar ng halos isang linggo. Kahit may jetlag pa ang aktres pina unlakan naman niya ang aming konting katanungan hinggil sa kanyang bagong movie sa ipalalabas ngayon June 26 nationwide and KontrAdikyon na mula sa Bell Films.
Kung nakagawian na nating laging kontrabida role ang character ng aktres ,this time sa KontrAdikyon naiibang Katrina naman ang ating matutunghayan sa isang action genre film na may kaugnayan sa kasaysayan ng droga . Sa katunayan, sumabak pa ang aktres sa matinding training for fighting , stunt bago niya sinimulan ang movie ni direk Njel de Mesa.
“A year ago i was offered the role of a strong independent woman serving the country with excellent hand combat, at first i was hesitant to accept the role, kasi first time ko to do this kind of intense role, lalo na sa big screen.
“Pero yun full trust ni Direk Njel de mesa sakin grabe.. kaya na-isnpire ako na mag training before mag start yun shooting.. Ibang iba talaga ito sa mga nagawa kong movie. Happy nga ako sa outcome ng movie, so far nagandahan ko yung mga fight scenes ko sa movie,”kwento ng aktres.

Isang matapang na director ng PDEA ang role ni Katrina sa nasabing movie bilang si Yvonne Acosta na sasabak sa madugo at ma askyong mga eksena .
"Yes isang babaeng Direktor ng PDEA. Ako si Direktor Yvonne Acosta. Hindi alam kasi ng mga tao na maraming director sa PDEA na matatapang na babae,so parang pang women-empowerment din ang role ko.
“ Kalma lang ang personality ko pero kapag hinamon ay matapang din naman. Matatawag din na strength at saka weakness ng character ko yung magiging mapagtiwala sa kapwa—to a fault na medyo naïve din kung minsan.
“ Magaling din ang character ko sa hand to hand combat.. yan siguro ang dapat abangan ng mga hindi pa ako nakikitang mag-action. Mala-Charlize Theron o Scarlett Johansson ang bakbakan hahaha,”sabay tawa ni Kat.

Anon nga ba ang hatid ng pelikulang KontrAdikyon ? May magandang mensahe ba ito para sa ating lahat ?
“Napapanahon kasi. Kailangan nang magkaisa ng bayan patungkol sa kampanya kontra-droga.
“Ipakikita lahat sa pelikula…I mean, lahat talaga ng opinion tungkol sa drug war. Both pro and anti. Medyo in your face ang mensahe pero sa dulo hangad lang namin ay kapayapaan para sa bayan at kaligtasan ng mga mamamayan. Pinapakita din sa pelikula ang mga masamang epekto ng pagdo-droga na sana malaman ng mga kabataan para sila’y wag na sumubok pa,"sabi ng aktres na si Katrina Halili.

PLOT STORY
KONTRADIKSYON (Contradiction) or Kontra-Adiksyon (Contra-addiction) is a complex and dramatic socio-political action thriller with issues that starts out local and escalates to national and global proportions. It is a film on contradictions and most importantly, Philippines' controversial and game changing war on illegal drugs. The film shows the adverse effects of illegal drugs to the over-all health of a person which tragically leads to a life of crime. Written and directed by Multi-Palanca Award-winning writer, Njel de Mesa of Subtext and Respeto. Alexis Borlaza, a human rights activist ends up becoming an undercover drug enforcement agent but is actually a vigilante killer by night. To solve a brutal murder, he then enlists the help of Jessica Puyat, a known drug user and pusher in the call centers and other "high-end" institutions.

—Jan Christine Reyes

Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment