Miko Gallardo, BIDAMAN finalist tatahakin ang bagong yugto ng kanyang career | labis ang pasasalamat sa tiwalang binigay ng Regal Films!

Sumabak na panibagong yugto ng kanyang buhay ang baguhang actor na tubong Palawan at It’s Showtime Bidaman grand finalist na si Miko Gallardo.

Ang pelikulang US AGAIN ng Regal Entertainment malamang ang magsilbing daan para mapansin ang ang husay ng newbie actor. Sa pam-buenamanong movie ng guwapong actor kasama niya ang new hot tandem na sina Jane Oineza at RK Bagatsing kaya naman doble ang nararamdamang saya at pasasamat ni Miko sa mga taong nagbigay ng tiwala sa kanyang kakayahan.
"Siyempre sa Regal Films kay Mother Lily Monteverde at kay Ma'm Roselle sa binigay nilang oportunidad na pinagkaloob nila sakin.
"So far, ito yung masasabi kong unang movie ko, kasi dati talent lang tayo so, sa Us Again may lines may eksena.. hindi ko na naramdaman yung pagiging isang talent,"Aniya.
Sa Press Conference ng pelikulang US AGAIN kung saan first time naming naka kwentuhan ang 21 years old new actor na si Miko.


Sa aming pakikipag usap kay BIDAMAN Miko marami itong nai share sa amin hinggil sa takbo ng kangyang career sa kasalukuyan.
Isa sa nagpag usapan ay ang kanyang pagiging bida sa trending commercial niya para sa isang popular fastfood chain. Ang kanyang Kwentong Jollibee Valentine Series 2020 the commercial entitled 'CoupleGoals' na pumalo ng 18m views.
"Yes , dati ang tawag nila sakin Bidaman ngayon, si Jollibee na. Nakakatuwa kasi parang dati napapanood mo lang yung commercial ng Jollibee ngayon ako na yung pinanonood nila sa commercial. From bidaman to bida, ang saya!,"reaksyon ng aktor.
"Sobrang laki ng naitulong sakin ng commercial tsaka pangarap ko talangang magkaroon ng commercial sa jollibee at magkaroon ng pelikula.
"Kaya feeling blessed tayo. Happy Ako sa nangyayari sa career ko at napakasarap ng pakiramdam na natupad mo yung mga pinapangarap mo sa buhay. Sana lang how i wish na makapasok tayo sa mabibigat na roles serye at movie gusto kong ma experience yun.
"Heto na nagsimula na ko mainstream movie and commercial..so, ito na siguro yung reward ko sa pagiging consistency ko sa pagiging ma tiaga at sa pagiging dedicated sa ginagawa ko.


After ng US AGAIN movie may fallow up project movie na pala ang actor sa Regal Films ang pelikulang 'Ang Mga Kaibigam Ni Mama Susan' ,  ang suspense-horror movie na pagbibidahan ni Joshua Garcia at ito ay sa direksiyon ni Chito Roño.
Kaya naman magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ng aktor sa latest niyang project. Aniya isang karangalan sa isang katulad niya na maka trabaho ang batikan at award winning director na si Chito Roño.


Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment

0 comments:

Post a Comment