TUKLASIN ANG HIWAGA SA LIKOD NG KAGUBATAN SA PELIKULANG "HAUNTED FOREST" ANG "SITSIT" NA SUSUBOK SA TIBAY NG MAGKAKAIBIGAN SA DEC 25 NA!


PAGBIBIDAHAN ng apat na pinakamahuhusay sa teen stars sa kasalukuyan na si Jane Oineza , Jameson Blake, Maris Racal at Jon lucas sa pinaka latest movie na suspense horror films ng Regal Films , ang pelikulang balot sa kababalaghan ang "HAUNTED FOREST" na mapapanood sa darating na araw ng kapaskuhan [December 25 2017] bilang bahagi ng MMFF 2017 [Metro Manila Film Festival]
MATAPOS ang kani kanilang markadong pagganap sa TV at pelikula, handang handa na sina Jane, Jameson, Maris at Jon na ibahagi sa publiko ang kanilang abilidad bilang alagad ng sining at bilang mga aktor ipakikita nila sa nasabing pelikula kaya nilang gawin bilang aktor sa larangan ng pelikula.

"Malaking challenge but the same time , big blessing po para sa aming lahat ang "Haunted Forest", Challenge, because it's the only horror film in the MMFF line up and it's Christmas blessing dahil hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng pagkakataong maging bahagi ng almost 60 years legacy ng Regal.


    "Anuman ang generasyon natin..halos lahat ng Pilipino ay laking Regal movies katulad ng classic films na "ASWANG", "TIYANAK", "HAUNTED MASION", and most of all, "The Shake Rattle and Roll" and Roll series," pahayag ni Jane na tinagurian nang Princess of Horror Movies dahil sa husay niyang pagganap sa mga dati niyang mga ginawang horror films.
Dahil din sa kanyang pagiging mahusay na pagganap sa mga horror roles hinangaan din si Jane ng mga manonood kaya naman nagkamit siya ng finalist certificate mula sa New York Festival noong nakaraang 2013 at naging nominado din ang aktres sa 41st International Emmy Awards para sa kanyang pinagbidahang "Maalaala Mo Kaya" episode noong 2012.
Siyempre hindi rin naman mahuhuli ang ibang bida sa nasabing pelikula na sina Maris , Jameson, at Jon sa paghasa ng kanilang galing sa pag arte. Last year kung ating matatandaan umani ng papuri si Maris sa markado niyang pagganap sa pelikulang "Vince and Kath and James". Sina Jameson at Jon naman ay mga miyembro ng grupo ng Hashtags na sikat na boy group sa kasalukuyan at napapanood sila sa programang It's Showtime na hindi lang sila sa pagsasayaw kundi may ibubuga rin pagdating sa aktingan.
Sa pelikulang "Haunted Forest" kakaibang Jane, Maris, Jameson, at Jon naman ang makikilala ng madlang people. Dito hindi lang katatakutan may halo din kilig, may family values rin na mapupulot sa mga character ng bawat bida.
Ang dapat ding abangan ay kung sino si "SITSIT" na siguradong hindi natin makalilimutan na magmamarka sa ating isipan.Bukod sa Regal teen stars kasama rin sa movie na "Haunted Forest" ang mga batikang aktor na sina Raymart Santiago at Joey Marquez. tampok rin sa cast sina Jerald Napoles, Betong Sumaya, Myrtle Sarrosa, Miho Nishida, Beverly Salviejo, Fiona Yang, at Kevin Miranda.
Ang nasabing pelikula ay sa direksyon ng international award winning director na si Ian Lorenos, iikot ang kuwento ng "Haunted Forest" sa mag amang Nica played by Jane at ang pulis Maynila na si Aris [Raymart} at sa mga bago nila makikilala nang madestino si Aris sa probinsya. Papaano babaguhin ng isang misteryosong gubat ang buhay ng mag amang halos wasak na ang samahan? Alammin ang kinakakatakutang "SitSit" na susubok sa tibay ng samahan ng magkakaibigang NICA, MITCH, RJ at ANDREI.. sa huli matutuklasan ba ni Aris ang lihim sa likod ng hiwaga ng gubat? Please watch out on Dec 25 in all cinema's nationwide.
Share on Google Plus

About Rico Miranda

    Blogger Comment
    Facebook Comment